Wednesday, March 30, 2005

Minsan


Minsan sa buhay ko ikaw ay nagdaan
Napuno ng saya sa puso't isipan..
Tulad nang mga ngiti na umaabot sa langit,
At walang nang kasing tamis.
 
Ang alaala mo'y hindi luminsan
Lahat ito'y sa akin ay nanatili...
Mga pangarap ko man ay pilit kong ikinakabit,
Na tulad nang minsan ikaw at ako'y magkapiling
 
Mga araw na nagdaan sa atin'y pawang walang katapusan,
Ang kahapon at ang ngayon ay iisang magkatulad lamang,
Kahit magbago man ang lahat ito lamang ay huwad
 
Dahil ang minsan man ay ikaw ang lahat.
Minsan pa, at ito ang bukas...
Na aking pangarap na hindi na lilipas
 
Nasa minsan ako'y umaasa
Na kahit ang bukas man ay hindi ko makita,
Sabihin mo lang, ako'y hindi din mawawala
Tulad ng minsan na ikaw at akoy nagkita.
 
Kumupas man ang lahat,
Ngunit hindi ako sayo
At, naniniwala ako
Na ganon din ang sayo.
 
Kaya malayo man at hindi magkita,
Ang minsan natin ay hindi na mawawala
Sa minsan pa,
At tayo na ang bukas...


riomae liberated at 03:34 am
Comment (1)  

Monday, January 17, 2005

Kung...


Okay lang ba tanungin....
 
Minsan naisip mo ba ang mga ito,
Na kung naguguluhan ka, ganon din ako?
Para bang ang lahat ng tanong ay hindi nasasagot..
Na Kung pwede lang malaman kung ano ang nararamdaman mo
At minsan, ako din sayo.
 
Sa mga taon na wala ka, inisip mo ba..
Kung ano ang pakiramdaman na wala ka?
Na iniwan na nagiisa..
Na Minsan man nangarap na ikaw ay makita, magbalik,
Ngunit wala.
 
Dalangin ko ay ito,
Dahilan man natin ay kung ano...
Na sa pagdating man nang oras ay hindi man ikaw at ako
Basta't akoy nandito para sayo.
 
Dala ang munting alaala na hindi kumupas
Na para bang ang minsan ay isang salita ngunit walang hanganan..
Sakin ay nagbibigay buhay, kulay at galak
 
Kung ika'y magpapaalam muli
Ay hindi ko nais.
Malalaman ko man ang dahilan,
Ako nlang ang aalis
 
Ngunit tandaan mo sana,
Na minsan ako'y nagdaan sa buhay mo
At nagmahal nang labis...
 
Hindi ako tatahan,
Tulad ng isang hangin
At sa huling sadali maalala mo sana
Ang munti kong awit...
 
 


riomae liberated at 12:10 pm
ispikyormaynd!  

Tuesday, December 21, 2004

eto na ang bagong entry ko


magpopost na ako ng aking entry kasi maganda ang pichur kong blak ang wyt sa blog ko! kaya ngayon ay gusto ko nang magpost ng mga entry ko! abangan ang aking mga susunod na kwento! har har har huk huk huk bwakekekekekek pengembentepesos! apir!


riomae liberated at 06:15 pm
ispikyormaynd!  

Sunday, October 24, 2004

still updating!!!


iupdate ko muna tong blog site ko! w8 na lang sa mga susunod na mga araw..ok!? babay!


riomae liberated at 06:39 am
ispikyormaynd!  

template © elementopia | image © istockphoto
All About Me
Calendar
Tagboard
Links
Contact
Credits